Commuter's Survey

1. Ano'ng byahe ng jeep ang madalas mong sakyan?
 "Sta.Lucia, Robinson Metroeast" pero dahil halos office, bahay, church lang ang napupuntahan ko ngayon, hindi na din ako masyado nakakapag-jeep.

2. Ano'ng oras ka bumibyahe?
Araw araw ko 'to inaangal sa mga friends ko. I have to leave home by 630AM kahit na 830 pa ang pasok ko or else ma-traffic na ako diyan sa Magsaysay. (Ayaw ko sa Vista Verde sumakay dahil Dela Rosa ang daan nun.. at matagal din ang FX) Almost one hour din ang pila sa shuttle. Basta before 730 kelangan makasakay na ako ng shuttle or else.. dedz nanaman. #-o

3. Magkano pamasahe mo?
P7.00 - tricycle from Gate5 to Magsaysay
P40.00 - shuttle from Magsaysay to Ayala
P40.00 - shuttle from Ayala to Gate5.

4. Gaano katagal ang byahe mo?
• On the way to office: ONE and A HALF HOUR!!! Ganito kadaming oras ang nasasayang sa buhay ko araw-araw para lang sa biyahe. Pag pauwi, more or less one hour.

5. Saan ka madalas umupo sa fx?
• Kahit saan. Di naman ako maarate. Pero preferred ko yung window seat sa gitna. >:)

6 . Mahilig ka ba sumakay sa "patok"?
Ayaw ko nga nun eh.

7. Bakit?
It's not because sobrang bilis nila magpatakbo but because parang may disco sa loob ng jeep. Sakit sa ulo. Mga biyaheng Antipolo lang naman ang nakikita kong ganito.

8. Habang nasa byahe, paano ka nagpapalipas ng oras?
Mas maraming oras ang nakakain ng pila ko sa shuttle kaya minsan dun na rin ang morning devotion and prayer. Hehe. Sa biyahe, makikinig na lang ako sa audio books or sa Morning Rush with Chico and Del. :) I love them! Or kung wala pa rin shuttle or low bat ang mp3 player ko, pinapanood ko nlng mga tao at tinitingnan kung pano sila manamit. Hehe. Parang catwalk yung daan galing sa start ng pila to the end.

9. Nakakatulog ka ba sa byahe?
Kapag shuttle lang or yung provincial bus. Never on a jeep or city bus.

10. Anong radio station ang madalas mong ma-tyempuhang pinakikinggan ng driver?
Love Radio! Grr. Pollution sa utak.

11. Gusto mo ba ng loud music?
Nope. I hate it. Sakit sa ulo.

12. Ano'ng sinasabi mo kapag bababa ka na?
"Manong sa tabi lang po."

13. Naranasan mo na bang di magbayad sa driver?
Haha. Once or twice.. pag sobrang pagod tapos tulog sa fx, nakakalimutan ko. Maaalala ko nlng pag nakababa na ako. Sorry manong. :(

14. May nakaaway ka na ba sa jeep?
Wala pa naman po. Naiirita lang pero di naman inaaway. Yung mga ayaw umayos ng upo.

15. Mahilig ka bang manlibre ng pamasahe?
Hindi. Haha. Libre nila ako lagi.

16. Mahilig ka naman bang magpalibre?
Yup, that's me! :)

17. Paano ka nagre-react kapag biglang nagpreno?
"Tsk!" Ganon lang. Lalo na pag sa likod ka ng FX. Wow, sakit sa katawan. Para kang nasa loob ng washing machine.

18. Naranasan mo na bang di masuklian?
Yup. Minsan tinatamad na rin ako kuhain sukli. Lalo na pag parang bingi si Manong. Iniisip ko nlng minsan kabayaran yun sa di ko pagbayad minsan. Hahaha.

19. Nakalampas ka na ba sa biyahe?
Konti lang naman. Hehe. Paggsing ko Vista Verde na when I'm supposed to stop at Kaunlaran St.

20. Sa anong dahilan?
Tulog! Galing akong Tae-bo. Or galing ng OT. Hehe.

22. Naranasan mo na bang hindi pagbayarin ng mismong driver ng jeep?
Yeah, sa LB! Wala kse sila panukli. Hehe. One hundred pera ko. P3.25 lang pamasahe nun! :((

23. Naranasan mo na bang ma-stranded sa daan?
Thank God, hindi pa! Once pala, pero kasama ko naman parents ko nun at may car. Sinundo nila ako sa Cubao galing LB. Bigla kse lakas ng ulan.

24. Na-hold-up ka na ba?
Hindi pa at wala akong balak. Na-hold up yung buong jeep diyan sa may Karangalan, pero di niya ako pinansin. I'm really blessed!

25. Nasuka ka na ba sa biyahe?
Nagfi-feeling lang dati nung bata ako, pero never pa naman. Matibay ako sa biyahe eh. Hehe. Hirap lang ako to hold my pee. Hahaha.

Blogged with Flock

You Might Also Like

0 comments

Blog Archive