Ang Alamat ng Nawawalang Toothbrush

Malapit na ang hating gabi. Handa na akong maligo at maghanda para sa pagtulog matapos ang isang araw na panonood ng telebisyon. Papasok na ako sa CR nang may nakita akong isang insekto na ginagawang park ang malaking baso na lalagyan ng aking violet na toothbrush at ng iba pang toothbrush. Paikot-ikot. Palakad-lakad. Yaaak. Yun ang naisip ko. Inaantok na ako ngunit naisip ko, kawawa naman mga kapatid at magulang ko kung gagamitin nila yan bukas. Di nila alam, isang ipis na pala ang nag-bless sa kanilang toothbrush. Kaya heto ako.. nagpapakabait.. isang thoughtful na kapatid at anak.. hinablot ang mga toothbrush, kinuha ang kaldero, nilagyan ito ng tubig at pinakuluan ang mga toothbrush. Sterilized na ang mga toothbrush. Malinis na ulit. Hmm.. napadami ata ang tubig na nalagay ko.. antagal kumulo... nood muna ulit ako TV... uy, ganda ng palabas sa HBO... nood muna... credits... haay, antok na talaga ako... pasok sa kwarto... teka, may gagawin ata ako...? Pero antok na ako... tulog... Zzz... Kinaumagahan. Ma, nasan toothbrush ko?!!! Ang mga salitang gumising sa akin. Si kuya, aga-aga ingay-ingay. Haay, iskool nanaman. Hilo-hilo pa akong bumaba. Kayo talaga! Sino nagpakulo ng tubig kagabi? Naiwang bukas ang kalan! Natuyo na tubig! Buti nagising ako!!! Galit na sabi ng aking ama. Ma, nasan ba ang mga toothbrush?!! Sigaw ulit ni kuya. Toothbrush? Tubig? Kulo? Pamilyar ata. Ma, nawawala lahat ng toothbrush!!! Kinuha ko ang kaldero. Tiningnan mabuti. Ah, Ma.. may ipis kse kagabi..

You Might Also Like

0 comments

Blog Archive